Nagkasala ako sa iyo
nakalimutan ko
ang aking pangako.
Hindi ko nais
na ako ay umalis,
at ikaw at ako ay lumabis
ngunit lahat ito ay nangyari na;
Wala na ako maidadahilan pa.
Hahanapin ko muna ang aking sarili
Bayaan mong ako ay muli
mabuhay malayo sa iyo.
Dahil sa iyong piling
Mahina ako at laging
Ikaw ang hanap
at ako ay ganap
na laging walang kaya.
Paalam, aking sinta
Aalalahanin mong lagi, Mahal Kita
Kailanma'y di ka maaalis sa ala-ala
Babalik ako sa iyong piling
Ikaw at ako ang aking dalangin
Nawa, ako'y hintayin
Pagdating ng panahon ay asamin
At sa aking pagbalik
Ikaw at ikaw lang ang hibik,
taglay na ang karapatan
at wala ng katatakutan.
Yakap mo ay damhin
At dampi ng iyong halik.
Hindi ito pamamaalam
ngunit isang pangako
Oo. Mahal na mahal kita
ngunit mamahalin na kita
ng paraang nasa tama.
Sa gulo ng mundo ko
at lamig ng malayo sa iyo
Nawa ako ay alisin
At sa aking pagdating
Ikaw ang aking unang makita
At doon, Ikaw ay Ikaw pa rin
Oo, Ikaw
Habambuhay, makasama.
http://sirvash.blogspot.com/
